Talaan ng mga kontinente batay sa GDP

Mapa ng mundo na nagpapakita sa nominal na GDP ng mga bansa para sa taong 2017 ayon sa IMF.
Kulay: (bilyong dolyar ng Estados Unidos)
  > 1,000
  200-999
  10-199
  < 10
  Walang datos

Ipinapakita sa artikulong ito ang mga talaan ng mga kontinente ng mundo na nakaayos ayon sa kanilang kabuuang panloob na produkto, o ang gross domestic product (GDP) na nagsisilbing panukat sa halaga sa merkado ng lahat ng mga produkto at serbisyong nagmula sa kontinente sa loob ng binigay na taon. Kinalkula ang mga ipinapakitang pagtatayang naka-dolyar sa GDP ayon sa merkado o sa opisyal na halaga ng palitan ng pera ng pamahalaan. Hindi isinasama rito ang mga pagkakaiba sa gastos sa pamumuhay sa iba't-ibang mga bansa, at posibleng iba-iba ang magiging resulta nito depende sa kasalukuyang halaga ng palitan ng pera ng isang bansa. Posibleng makaapekto ang mga pagkakaibang ito sa kabuuang GDP ng isang kontinente, kahit na hindi ito sumasalamin sa gastos sa pamumuhay sa kontinenteng yon. Kaya naman, mag-ingat habang binabasa ang nilalaman ng artikulong ito ukol sa mga bilang na ipinapakita rito. Bukod pa rito, madalas sinusukat ang yaman ng isang bansa base sa paridad ng lakas ng pagbili o purchasing power parity (PPP) para ayusin ang pagkakaibang ito sa pamumuhay. Bagamat tinatanggal ng PPP ang problemang ito, hindi nito sumasalamin sa kabuuang pandaigdigang kalakalan na isinagawa ng isang bansa para sa binigay na taon, at nangangailangan rin ito ng isang mas malayang pagtataya kumpara sa GDP kada kapita.


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search